Moving on 101
Aliwin mo ang sarili mo
- Ituon mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Magpaka-busy ka. Magbasa ka ng libro, wag lang yung Twilight Saga, maawa ka naman sa sarili mo kung yun pa babasahin mo. Pataasin mo rank mo sa Tetris Battle, magpayaman ka sa SIMS. I-drawing mo si Elisa. Magpractice ka ng spells ng Harry Potter. Kahit ano basta aliwin mo sarili mo.
Burahin mo na lahat ng texts at pictures nya/ nyong dalawa sa Cellphone, Facebook at kung ano ano pang gadget/site na meron kayo
- Tuwing binabasa mo yung mga texts nya at tinitingnan yung mga litrato nyong dalawa, para mo naring binubudburan ng asin yang sariwang sugat mo. Ikaw rin ang masasaktan at mahihirapan.
Wag mo ng isipin yung “Paano kaya…”
- Tandaan mo, tapos na kayo, wala na kayo. Wag mo ng sayangin yung panahon mo para isipin kung ano pa kaya ang mga bagay na maaring mangyari kung ngayon ay magkasama pa kayo. Wag mo ng isipin yung mga bagay na maaring magbago kung ibang desisyon ang pinili mo. Dahil kahit anong isip pa ang gawin mo, hindi na maiibalik ang nangyari na.
Tanggapin mo ang katotohanan
- Unang hakbang para-maka move on ay ang pagtanggap sa katotohanang wala na kayo at hindi na maibabalik a ng nakalipas. Hindi paglimot ang sagot para masabi mong moved on ka na, kundi ang pagtanggap na wala sya, at wala na kayo.
Wag kang magmamadali
- Hindi madali ang pagmo-move on. Kaya wag mong madaliin. Maaaring umabot ng buwan, may iba nga na inaabot pa ng taon eh. Okay lang yan, wag mong intindihin yung ibang tao. Kung hindi mo pa talaga kaya, walang problema, take your time. Hihilom rin yang sugat mo.
Magmahal ka muli
- Kapag natutunan mo ng tanggapin at kalimutan yung taong naging sanhi ng sakit na naranasan mo, matututo ka nang magmahal muli. Hindi dahil minsan kang nasaktan eh lalahatin mo na yung mga lalaki/babae. Isang tao lang ang nakasakit sayo, hindi lahat sila eh pare pareho. Malay mo, sa pagkakataong ito eh mahahanap mp na yung taong mamahalin ka ng totoo at hinding hindi ka iiwan at sasaktan.
Pero wag na wag mong gagamitin ang isang tao para lang maka-move on. Tandaan mo, magmahal ka kapag handa ka na at nakalimutan mo na sya, hindi para makalimutan, at mas lalong hindi para maipakita mo sa ex mo na may bago ka na.




17

